this site is best viewed
with Opera Browser.
support open-source!
08:30 | batangas journal notes, ca 2005
Jeepney ride. Mainit sa loob ng sinasakyan naming dyip. Umaalog kami sa aming pagkakaupo. Inuuna kasing tapusin ang Manila-Nasugbu Eco-tourism Road na magdadala sa mga turista sa mga resort ng Nasugbu sa loob ng isang oras, samantalang ang national road na matagal nang ginagamit ng mga lokal na mamamayan ay walang kasiguraduhang magagawa.
Kuwento ng kasama namin, isang dyip lamang ang bumibiyahe paalis-pabalik sa pupuntahan naming baranggay. Pagdungaw ko sa bintana, may mga batang naglalakad sa ilalim ng init ng araw pauwi sa kanilang mga bahay. Hinahabol nila ang kanilang mga anino habang ang dyip na aming sinasakyan ay hinahabol naman ng malaking ulap ng gabok.
Cellphone. Walang signal. Hindi ako makapag-text sa mga kaibigan ko sa Maynila kaya naglakad na lang ako papunta sa tabi ng dagat. Palubog na ang araw, tanaw mula sa isang baranggay sa Hacienda Looc.
Tahimik sa tabi ng dagat. Walang bakas ng pagkakatambak ng lupa sa maisan ni Mang Maning para sa ginagawang Manila-Nasugbo Eco-tourism road. O sa banta ng pag-aangkin sa lupa nina Tatay Mandy para gawing golf course. O sa kapalaran ni Bikuy na papasok na sa elementarya sa susunod na pasukan.
Magtatagal pa sana ako sa tabi ng dagat, ngunit may parating na sundalo kaya bumalik na ako sa bahay na aming tutuluyan.
PPA. Madilim sa bahay nina Nanay Minda kapag gumabi. Mahal daw kasi ang dalawang daang pisong pambayad sa kuryente paliwanag ni Tatay Mandy.
Ilaw mula sa apoy na pinangluluto ni Nanay Minda ang naging ilaw namin habang pinagkukuwentuhan ang simpleng buhay sa Hacienda Looc. Mamula-mula ang mukha ni nanay sa ilaw habang nakayuko siyang inaayos ang apoy na luluto sa aming hapunang gulay. Natanong ko ang panganay nilang magkokolehiyo. Mahal kasi ang pagpapaaral sa kolehiyo, simpleng sagot ni Nanay Minda.
Maya-maya dumating si Tatay Mandy dala ang isang baterya ng tricycle. Ikinabit niya sa isang linya, at sumindi ang natatanging bumbilya sa bahay.
17:23 | no exit, zarathustra
tell me, dear Father, what is more agonizing than reading your own life from the Book of Life and finding it not to your liking? bore your self to death, perhaps?
what is more dreadful than re-living your own worthless life over and over and over again, not just once or twice but more than a thousand times over, from start to finish, from the first cry to the last breath, with all the aches and pains, with you being conscious of stumbling on the same rocks not just twice or thrice--but more than thrice a thousand times over, but since you are just re-living the one life--the only one that you have--that matters you cannot do anything, cannot change anything? that, Father, is the real hell.
and this life i have now might be it, Father. forgive me. i have sinned.